red tape

"Our reforms have earned us P1 billion from the U.S. Millennium
Challenge Account for more investigators, prosecutors, and new
technology to fight corruption. We are matching this with another
billion from our fiscal savings."
- SONA 2006

putang ina… di pa ako tapos magbasa ng speech ni madame president pero naiirita na mga mata ko.  korupsyon ba kamo? tapos tinapatan pa ng pondo? di ko naman sinasabi na kukurakutin lang ang pondo laban sa pangungurakot… kayo na lang huhusga.

red tape.  ano ba talaga ang red tape? hindi ito kulay pula na recording ng mga piratang opm kundi isa itong asal o kaugalian ng mga tao na binabagalan ang isang bagay o proseso na parang naghihintay ng pampadulas o makukutong.

tulad ng isang project na ginagawa namin sa isang probinsya, kasimple-simpleng dokumento lang hinihingi namin pero may panahon pa syang ipagmalaki na sa kanila ang dokumentong yung… kaya, gumawa kami ng iba. pero alam ba nyang ang dokumentong yun ay pag-aari ng taong bayan? sa tingin ko nga may bahid ng buwis ko na kinakaltas sa akin tuwing araw ng pasahod e kasama dun. tarantado pala sya eh!simpleng hiling pero ang daming satsat… ano kaya hihingin nya?

o nga pala… nabanggit ko na rin ang buwis. ngayon ko lang namalayan na halos 22% na ang idinadagdag sa resibo ko lalo na pagkumakain ako sa mga restaurant. binubuo raw ito ng service charge at vat! langya… lalo akong nagutom! kaya dapat talagang di na ako maglalagay ng tip sa mesa. mas mapera pa pala ang waiter (o minsan kinukurakot pa ng may-ari) kaysa sa akin. kasali kaya ang buwis na ito sa 1 billion na itatapat sa isa pang 1 billion para puksain ang kurupsyon?

tao ang gumagawa… ang masakpal pa dun, kapwa filipino din ang naaapektuhan. masakit man isipin, mahirap tanggapin pero ang kasanayang ito ay  di dapat  hikayatin  (wow! rhyme!). tama nga si bob ong. disiplina ang kailangan natin. kahit sa maliit na bagay lang ay simula ng malaking pagbabago.

pucha! napaka-nationalistic ko! hanep =P

2 Responses to “red tape”

  1. Bing Says:

    haha gusto ko na rin sanang sumulat tungkol sa pilipinas nating mahal..naku! naunahan mo ako..kakabasa ko lang kasi ng bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino? libro ng bobong pinoy. =) hehe…kita na jud pertz ang mga kasapi sa bob ong school of thought haha…

  2. pErtz Says:

    pirti! naa na jud school of thought si bobong… at least naa nay counterpart sina karl marx and adam smith. hahaha..

Leave a Reply